Chikahan nina She at Shen
Tuesday, October 17, 2006
Karugtong ng chika kahapon...
Hay naku pare, naisipan kong bumuo ng online chika place natin kasi nainis ako kanina. Supposedly, hiatus mode si Sasha e. Pero ako, eto at biglang bumalik sa blogworld para ikwento sayo ang aking kagagahan...
Inlababo na yata ako dun sa kumag na yun! Ano ba naman yun di ba? Di ko pa sya ganun kakilala tapos may I selos factor ng involved. Kainis di ba? Sheeet talaga!
Teka, teka, parang ampangit naman ng unang post natin, tol...
Sa mga kaibigan na mapapadpad dito, nagsimula po ang lahat ng daldalan namin ni Shen mahigit isang dekada na ang nakakalipas.
1992. Second year high. Section Patience. Naging classmates kami. We didn't hit it off instantly. Dami pang dinaanan bago naging friends kami. May mga awayan pa at iyakan. Dramahan to death. Pero eventually, napag-alaman naming birds of the same feather kami. Kaya we stuck together along with Sheryl, Tim, Myra, Che, Jing, Jem, Rollyne, Issang and Rio. Weird kasi ilan kaming grupo sa loob ng isang tropa. Pero til now, maipagmamalaki naming bukod kina Sheryl, Rio at Rollyne, may communication pa kaming lahat! Nobody beats our group! Nyahaha
Anyway, so dun nagsimula ang lahat. Si Shen na magkukuwento ng iba at wala ako sa mood ngayon. Pare, kumbakit kasi nangati pa kamay ko kanina at nagbloghop! Kainis!
O siya at hanggang dito muna. Hiatus nga si Sasha, si She umaariba naman dito ngayon... kumusta naman yun di ba?!?
Posted by Miss Blogger ::
5:13 PM ::
0 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------