Chikahan nina She at Shen
Thursday, October 26, 2006
ANG BABY NA NAMAMASYAL SA MALL
haaaaayyy.... what a day! im walking along checking some stuffs sa mga store..like new clothes, shoes, bags, and some girlie things.
THEN................
HALA! may batang mataba (naalala ko ako nung bata ako) she's so cute! shes wearing a pink pants and a white t-shirt na super fit sa kanya ... hello sexy! kita ang kanyang tummy!
but...... hello heres the thing kung bakit naagaw ni piglet este ng batang ito ang attention ko.... remember how we all love to play dolls nung bata pa tayo ( this goes with girls only..but kung bata ka pa feel mo na maglaro ng dolls well malamang gay ka na now) okay moving on with the kid.... she have this barbie doll and its really pretty ..medyo malayo siya sakin pero i can see her clearly... hawak niya ang barbie at hawak siya ng daddy niya dahil like me nag-wi-window shop din sila.... ng biglang!
SINIPA ng bata ang barbie! di lang basta sipa hinagis niya si barbie sa ere at sabay kick! ... lumipad si barbie ng malayo ..natawa ako sa bata.... pero hello yung itsura nung bata seryoso siya ..parang malaki ang galit niya kay barbie..tas syempre nakita ng dad niya ang ginawa niya so ..naglakad sila papunta kay barbie... nung malapit na sila... ito dito na ko super natawa at hindi ko na napigilan gumawa ng noise sa pagtawa ko.... pupulutin ng daddy ng bata ang barbie ng bigla niya ulit sinipa...HAHAHAHA!!!! pero yung itsura nung bata e seryso pa din... sa tatlong beses paulit ulit na attempt ng dad niya pulitin ang barbie 3 times din paulit ulit sipain ng bata palayo sa kanila ang barbie .. they end up moving far from the store na pinuntahan nila at papalapit na sakin... hanggang sa nahuli na ng daddy si barbie at .... linagay na niya sa loob ngbaby bag... napa-smile nalang ang daddy niya sakin dahil kitang kita ko kung paano bugbugin ng baby niya ang kawawang barbie heheheh.... pero bilib ako sa bata.. now lang ako nakakita ng bata na imbis na alagaan ang barbie e .... she goes for the kill hehehehe....haaayyyy i cant forget the kids face shes so cute and fat but obviously shes a terror!
Posted by HerShen ::
7:54 AM ::
0 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Tuesday, October 17, 2006
Karugtong ng chika kahapon...
Hay naku pare, naisipan kong bumuo ng online chika place natin kasi nainis ako kanina. Supposedly, hiatus mode si Sasha e. Pero ako, eto at biglang bumalik sa blogworld para ikwento sayo ang aking kagagahan...
Inlababo na yata ako dun sa kumag na yun! Ano ba naman yun di ba? Di ko pa sya ganun kakilala tapos may I selos factor ng involved. Kainis di ba? Sheeet talaga!
Teka, teka, parang ampangit naman ng unang post natin, tol...
Sa mga kaibigan na mapapadpad dito, nagsimula po ang lahat ng daldalan namin ni Shen mahigit isang dekada na ang nakakalipas. 1992. Second year high. Section Patience. Naging classmates kami. We didn't hit it off instantly. Dami pang dinaanan bago naging friends kami. May mga awayan pa at iyakan. Dramahan to death. Pero eventually, napag-alaman naming birds of the same feather kami. Kaya we stuck together along with Sheryl, Tim, Myra, Che, Jing, Jem, Rollyne, Issang and Rio. Weird kasi ilan kaming grupo sa loob ng isang tropa. Pero til now, maipagmamalaki naming bukod kina Sheryl, Rio at Rollyne, may communication pa kaming lahat! Nobody beats our group! Nyahaha
Anyway, so dun nagsimula ang lahat. Si Shen na magkukuwento ng iba at wala ako sa mood ngayon. Pare, kumbakit kasi nangati pa kamay ko kanina at nagbloghop! Kainis!
O siya at hanggang dito muna. Hiatus nga si Sasha, si She umaariba naman dito ngayon... kumusta naman yun di ba?!?
Posted by Miss Blogger ::
5:13 PM ::
0 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------